Don Juan


  • Siya ang pangunahing tauhan sa Ibong Adarna. Isa siyang mabait na prinsipe. Mayroon siyang dalawang nakatatandang kapatid: sina Don Pedro at Don Diego.  Siya ang paboritong anak nina Haring Salermo at Donya Valeriana dahil sa kanyang mabuting kalooban.
  • Isinasalaysay ng Ibong Adarna ang paglalakbay ni Juan
  • Siya ay may tatlong paglalakbay:
  • Sa paglalakbay ni Don Juan, maraming bese siyang tinaksilan ng kanyang kapatid na si Don Pedro. Sa kabila nito, nagagawa pa rin niyang patawarin siya. Ipinapakita nito ang kabutihan ni Don Juan.
  • Si Don Juan ay matapang. Ipinakita ito nang bumaba siya sa balon at nang kalabanin niya ang Higante at Serpyente.
  • Tatlong babae ang minahal ni Don Juan sa kanyang paglakbay. Ang una niyang minahal ay si Donya Juana pero nang makita niya si Leonora, ang kapatid ni Juana, nakalimutan na niya si Juana at minahal na niya si Leonora. Ito ang unang pagkakataon na nagtaksil si Don Juan. Ang pangatlo niyang minahal ay si Maria. Nang pagtaksilan siya muli ni Don Pedro, sinabihan siya ng Ibong Adarna na pumunta sa Reyno de los Cristales upang hanapin si Maria.
  • Ang paglalakbay ni Don Juan ay hindi lang paglalakbay patungo sa iba’t ibang lugar kundi isang paglalakbay patungo sa pagiging isang ganap na tao. Sa kanyang paglalakbay, naranasan niya na pagtaksilan, mabigo, umibig, pumili, magtaksil, dumaan sa mga pagsubok at magtagumpay. Sa paglalakbay ni Don Juan, makakakita tayo ng maraming mga katotohanan tungkol sa buhay ng tao na magagamit natin sa ating mga buhay.

 

Ang Imahe’y mula sa : http://paolorivera.blogspot.com/2008_07_01_archive.html

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s