Kabanata 11

KABANATA 11

  • Pagaktapos ni Haring Fernando at ni Don Juan napatawad sina Don Diego at si Don Pedro, may masamang balak pa rin sila. Naiingit pa rin sila kay Don Juan kaya nagplano na naman sila ng masama. Sa Kabanata 10 inutusan ng hari na bantayan ang Ibong Adarna ng tatlong prinsipe. Isang gabi, inimbita ni Don Pedro si Don Diego na samahan siyang bantayan ang Ibong Adarna. Sinabi ni Don Pedro na si Don Juan ang susunod na magbabantay. Kaya naghintay sila hanggang dumating ang ikasampu ng gabi. Sa araw na ito, ginising nila ang natutulog na Don Juan kahit hindi pa nito oras. Dahil inaantok pa siya, nakatulog siya habang nagbabantay ng Ibong Adarna. Nang natulog siya, binuksan ng dalawa niyang kapatid ang hawla ng Ibong Adarna at pinakawalan ito. Nang magising si Don Juan at nakita niya na nakalabas ang Ibong Adarna, agad siyang umalis ng Berbanya, dahil ayaw niyang mapahamak ang kanyang kapatid. Nang tinanong ng hari kung sino ang nagbabantay kay Ibong Adarna nang nakalabas ito, sinabi ni Don Pedro at ni Don Diego na si Don Juan. Kaya inutusan ng hari ang dalawa na hanapin at ibalik si Don Juan. Naghanap sila hanggang nakarating sila sa Armenya.
  • Mahalaga itong kabanata sa kuwento dahil ito ay nagpapakita sa pagkalayas nila sa kaharian ng Berbanya. Pinakita rin ng kabanata na ito na mahal pa rin ni Don Juan sina Don Pedro at Diego dahil sa pagtataksil nila sa kanya. Ito ay makikita sa sinabi niya: “Ito ang maganda, natatago ang maysala.” ang sabi niya tungko sa pag-aalis niya ng kaharian.
  • Mga mahalagang sipi

Si Don Pedrong pinatawad

sa gawaing di marapat,

sa sarili’y naging galak

kapatid ay… ipahamak!

    • (Saknong 414) Makikita natin dito na kahit na napatawad siya ng kanyang ama at pinagtaksilan na kapatid, mapilit talaga si Don Pedro.

Lumapit na ang dalawa’t

pinawalan ang Adarna,

kaya’t nang magising siya

takot agad ang bumakla.

  • (Saknong 426) Iyan na naman sila, pinagtataksilan si Don Juan. Dito, pinakawalan ni Don Pedro at ni Don Diego ang Ibong Adarna. Paggising ni Don Juan, nalaman na niya ang nangyari.

Bago mitak ang umaga

si Don Jua’y umalis na,

wika’y “Ito ang maganda

natatago ang maysala.”

    • (Saknong 429) Kahit na masama ang ginawa ng kanyang kapatid, mabait at mahal pa rin si Don Juan. Umalis siya ng kaharian para hindi mapahamak ang kanyang mga kapatid.
  • Mga tayutay: “…araw’y masaya ang ngiti..” Ito ay isang personipikasyon dahil ngumingiti ang araw, parang nagpapakita na simula na ng bagong araw.
  • Mga gabay na tanong: Bakit tumakas si Don Juan? dahil ayaw niyang maparusahan? Bakit masama pa rin ang ginagawa nila Don Pedro at Don Diego si Don Juan? Hindi ba sila naawa sa kanilang kapatid?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s