Kabanata 12

KABANATA 12

  • Sa simula ng kabanata, sinabi ng autor na maganda talaga ang kabundukan ng Armenya (Armenia sa Ingles, at ito ay na sa Europa). Marami itong mga tumutubong puno, kumakantang ibon, at iba pang bagay. Maganda rin itong pook dahil dito payapa ang buhay, malayo sa mga gulo at iba pa. Dito ay nahanap ni Don Pedro at Diego ang kanilang kapatid na si Don Juan. Tinanong nila siya kung gusto niyang bumalikat kung ayaw niya, sasama na lang sil tumira sa Armenya. Pero pag pumayag si Don Juan sa pag-uuwi, malalaman ng hari ang pagtataksil ng dalawa. Pero gusto niyang tumira sa Armenya, kaya sumama na lang sila roon. Masaya ang buhay nila sa Armenya hindi silang nagtataksil sa isa’t-isa.
  • Mahalaga ito sa kuwento dahil ito ay nagpakita sa pag-aalis ng tatlo sa Berbanya. Ipinakita rin nito ang kamahalan ng tatlo sa isa’t-isa. Sinabi nga rin nito na tuwing Linggo nagkakaroon sila ng salu-salo.
  • Mga mahalangang sipi

Doo’y payapa ang buhay

malayo ka sa ligamgam

sa tuwina’y kaulayaw

ang magandang kalikasan.

    • (Saknong 451) Pinapakita nito na maganda tumira sa Armenya dahil mas payapa at mas tahimik ang buhay doon.

“Ibig nami’y sumama ka

nang mabuo ang ligaya,

sa anumang maging hangga

tayong tatlo’y magkasama.”

    • (Saknong 464) Dito, makikita natin na gusto nilang tumira sa Armenya dahil gusto nilang magkasama doon, kaya mahal pa rin nila ang isa’t-isa.

Siya’y walang kalungkutan

Sa Armenyang kabundukan,

Ang araw ay nadaraan

Sa panay na paglilibang.

    • (Saknong 468) Ilang araw sila nakatira sa Armenya, pero ni isang araw na hindi sila masaya. Ang buhay nila ay sobrang maligaya sa Armenya.


  • Mga tayutay: “Sila’y mga panginoon ng lahat ng hayop doon,…” Ito ay isang metapora dahil ikinokompara sila sa tagakontrol o naghahari ng mga hayop doon sa Armenya. “…mga maya, pugo’t kalaw may pandanggo at kumikintang.” Ito ay isang personipikasyon dahil ang mga ibon ay hindi naman talagang sumasayaw at tumutugtog ng mga instrumentong pagmusika. Ito ay nagpapakita sa mga magagandang maririnig sa Armenya.
  • Mga gabay na tanong: Ilarawan ang Armenya. Anong makikta at maririnig dito? Bakit inisipan nilang tumira rito?

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s