Kabanata 13

KABANATA 13

  • Habang naglalakad silang tatlo, may nakita silang isang balon. Pero ito ay hindi isang karaniwan na balon, ang bunganga ito ay sobrang makinis at gawa ito sa marmol. Pinagisipan nilang bumaba sa loob ng balon. Ang unang gustong bumaba ay si Don Juan. Pero sinabi ni Don Diego na mas matanda siya, kaya siya na lang ang bababa. Pero sinabi ni Don Pedro na siya ang panganay sa tatlo, kaya siya na lang ang bababa. Pumayag ang dalawa, kaya bumaba na si Don Pedro. Pero maikli lang ang oras na nasa loob, dahil mabilis na lumabas dahil sa takot sa dilim. Sumunod si Don Diego, pero pareho lang siya sa kanyang kapatid: mabilis na lumabas dahil sa takot sa dilim. Sumunod ang bunso, pero si Don Juan ay ang pinakamatapang sa tatlo. Nakatapak siya sa pinakailalim ng balon, at may nakita siyang palasyo gawa sa ginto at pilak. Nahihiwagaan sa nakikita niya sa ganda ng palasyo.
  • Mahalaga ito dahil ito ay nagpapakita na mas malakas ang katapangan ni Don Juan kaysa sa kanyang mga kapatid. Ito rin ang nagpakita kung paano siya nakababa at nakita ang palasyo.
  • Mga mahalangang sipi

“Ngayon din ako’y talian

ihugos nang dahan-dahan,

tali’y huwag bibitiwan

hanggand di ko tinatantang.”

    • (Saknong 486) Ito ay ang sinabi ni Don Juan dahil gusto niyang bumaba sa balon at makita ang mga bagay na nasa loob. Ipinapakita nito ang katapangan ni Don Juan. Kahit na hindi niya alam kung anu-ano ang mga bagay sa loob, gusto pa rin niyang bumaba sa dilim.

“Anuman ang kasapitan

Ito’y di ko uurungan,

Ang malaking kabiguan

Ay bunga ng karuwagan.”

    • (Saknong 507) Ito ang mabuting saloobin ni Don Juan. Malakas talaga ang kanyang loob dahil kahit na madilim talaga ang balon, bababa pa rin siya para makita ang mga bagay sa loob.

“Nasimulan nang gawain

Ang marapat ay tapusin,

Sa gawaing pabimbin-bimbin

Wala tayong mararating.”

    • (Saknong 508) Ito rin ay isang mabuting saloobin ni Don Juan dahil tinatapos niya ang mga ginagawa niya. Hindi siya parang maraming Filipino na may “ningas kugon” na hindi naman tinatapos ang sinimulan.


  • Mga tayutay: “Habang siya’y lumulubog lalong ayaw na matakot..” Ito ay parang kabalintunaan dahil ang tao, pag pupunta ka pa sa mas malalim na lugar, mas matatakot tayo. Pero matibay pa rin ang loob ni Don Juan. “Anuman ang kasapitan ito’y di ko uurungan, ang malaking kabiguan ay bunga ng karuwagan.” Ito ay isang aporismo dahil ito ay nagpapakita ng malakas ng loob ni Don Juan. Kailangan na matibay ang ating mga loob dahil hindi tayo matatagumpay kapag parati tayo natatakot at tumatakas sa ating mga problema. “Nasimulan nang gawain ang marapat ay tapusin, sa gawaing pabimbin-bimbin wala tayong mararating” Ito rin ay isang aporismo dahil pinapakita nito na kailangan natin tapusin ang ating mga gawain dahil kapag hini mo ito tinatapos, hindi rin tayo matatagumpay.
  • Mga gabay na tanong: Sino ang una makasabi na gusto niyang bumaba sa loob ng balon? Pero sino ang nauna? Sino naman ang nakatagumpay sa pagbaba? Bakit? Ano ang kanyang nakita sa loob?

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s