Kabanata 14

KABANATA 14

  • Sa palasyo may nakita siyang isang babae na si Donya Juana.  Agad na minahal niya itong babae. Pinuri niya ang kagandahan ni Donya Juana, at hiniling ni Donya Juana na huwag siyang iwanan dahil binabatay siya ng isang dambuhalang higante. Dahil sa lakas ng loob ni Don Juan (at sa kanyang pag-ibig kay Donya Juana), hindi siya natakot sa hinihiling ng babae. Naglaban sila ng higante at sa mabuting kapalara at sa Diyos na kalooban, si Don Juan ay nanalo. Pagkatapos ng laban, naalala ni Donya Juana na maiiwan nila ang kanyang bunsong kapatid na si Donya Leonora. Sinabi niya na nasa palasyo ang kanyang kapatid at, katulad ni Donya Juana, may nagbabantay sa kanya. Pero ito ay hindi isang damnuhalang higante. Ito ay isang serpyenteng may pitong ulo. Parang kanina, pumayag si Don Juan sa pagliligtas ng kanyang kapatid.
  • Mahalaga itong saknong dahil sa kuwento, importante talaga si Donya Leonora dahil siya ay nagmamahal kay Don Juan sa kuwento. Ito rin ang unang beses na nagmahal si Don Juan sa kuwento, at malaki ang ginawa niya para sa kanyang mahal: nanalo siya sa laban sa isang dambuhalang higante, at pumayag rin siya maglaban ng isang serpyenteng may pitong ulo.
  • Mga mahalagang sipi

“O, marilag na Prinsesa,

Ang sa araw na ligaya’t

Kabanguhan ng samapaga

Sa yapak mo’y sumasamba.”

    • (Saknong 515) Sa kuwento ng Ibong Adarna, si Donya Juana ang una niyang inibig, at ito ang pagpuri niya sa kanyang kagandahan.

Nang patay na at sa lupa

Ang Higante ay bulagta,

Saka ganapna natuwa

Sa Donya Juanang mutya.

    • (Saknong 548) Dito, malalaman natin na nanalo si Don Juan sa kanyang laban. Matapang and loob niya, at malakas pa siya, para lang sa pagmamahal niya kay Donya Juana.

“Anong tamis ng namatay

Kung lugod ng minamahal!

Anong saklap ng mabuhay

Kung duwag na tuturingan!

    • (Saknong 565) Sinasabi nito na ang pag-ibig ni Don Juan kay Donya Juana ay sobrang malalim kasi mahal na mahal niya siya. Gagawin niya ang kahit ano para sa pagmamahal ng babae.
  • Mga tayutay: “Anong tamis ng mamatay kung lugod ng minamahal! Anong saklap ng mabuhay kung duwag na tuturingan!” Ito ay isang pagmamalabis dahil nagpapakita ito ng parang ang kagandahan ng pagmamatay para sa iyong mahal. Sa kanyang pagmamahal, gagawin niya ang lahat na kailangan gawin, kahit na kailangan ang sarili niyang buhay. “O, marilag na prinsesa, ang sa araw na ligaya…” Ito ay isang pagmamalabis dahil ito ay nagpapakita sa sobrang saya ni Don Juan sa pagkita niya kay Donya Juana.
  • Mga gabay na tanong: Sino si Donya Juana? Ano ang nagbabantay kay Don Juana? Ano nangyari sa laban? Sino naman si Donya Leonora? Ano naman ang nagbabantay sa kanya?

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s