Kabanata 15

KABANATA 15

  • Bumalik si Don Juan sa palasyo at nakita niya ang bunsong kapatid ni Donya Juana. Sa kanilang pag-uusap, nagustohan ni Don Juan si Donya Leonora. Para maligtas si Donya Leonora, kailangan niyang patayin ang serpyenteng may pitong ulo. Naglaban na sila at nahirapan siya sa kanilang laban. Nagdasal siya kay Diyos para manalo siya. Tinulungan din siya ni Leonora sa pamamagitan ng pagbigay ng isang bote na ang lamang balsamo ay kailangang ibuhos sa ulo ng ahas upang hindi ito makadikit ulit pagkatapos maputol. Nanalo na si Don Juan. Kasama si Princesa Leonora, si Princesa Juana at ang alagang lobo ni Princesa Leonora, si Prinsipe Juan ay umakyat sa balon sa tulong ng kaniyang dalawang kapatid.
  • Mahalaga ang itong bahagi ng kuwento dahil ito ay nagpakita ulit ng isang malaking gawa ni Don Juan para sa kanyang mahal. Dito, ipinakita rin na nagkagustuhan ang dalawa (si Don Juan at si Donya Leonora), kahit na umibig siya kay Donya Juana. Ito rin ang nagpakita kung paano nakilala ni Don Juan si Donya Leonora.
  • Mga mahalagang sipi

“Leonora kong minamahal,

O, buhay ng aking buhay,

Sa puso ko’t katauha’y

Wala ka nang kalantahan.

    • (Saknong 613) Makikita natin dito na si Leonora ang iniibig ni Don Juan, hindi na si Donya Juana. Papatayin na niya ang Serpyente para maligtas ang kanyang mahal, si Donya Leonora.

Dito na siya tumawag

Sa Diyos, haring mataas,

Sa kabaka niyang ahas

Huwag namang mapahamak.

    • (Saknong 632) Ito ay nangyari habang ang laban sa Serpyente. Dahil napapagod na siya, nagdasal siya sa Diyos para siya’y manalo.

Ngunit pagkasawing-palad

Sumuko ang kanyang dahas

Ulong isa ay natagpas

Ang Serpyente ay nautas.

    • (Saknong 650) Dito na siya nanalo. Sa tulong ng Diyos at ng balsamo, pinatay niya ang Serpyente na may pitong ulo. Masaya na siya at si Donya Leonora dahil wala na ang nagbabantay sa kanya; makakaalis na siya.
  • Mga tayutay: ” Palamuti sa bintana ay napakagandang mutya; perlas, rubing tila luha ng langit sa abang lupa!” Ito ay isang pagtutulad dahil ginamit ang salitang ’tila’ sa pagkokompara sa perlas at rubi sa luha sa langit sa abang lupa.
  • Gabay na tanong: Paano nanalo si Don Juan laban sa Serpyente? Sino na iniibig no Don Juan?

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s