Kabanata 21

Kabanata 21: Bunga ng Pinaghirapan

Naglakbay si Don Juan ng limang buwan patungo sa bundok kung nasaan ang isa pang ermitanyo. Pinaalis ng ermitanyo si Don Juan at tinatanong siya kung ano ang ginagawa niya sa bundok. Ipinakita ni Don Juan sa ermitanyo ang baron a binigay sa kanya ng isa pang ermitanyo. Sinabi ng ermitanyo kay Don Juan na ang baro ay kay Hesus at itinanong niya ang kailangan ni Don Juan. Itinanong muli ni Don Juan kung nasaan ang Reyno de los Cristales. Tinanong ng ermitanyo ang mga hayop sa gubat ngunit wala sa kanila ang may alam.  Pinadala siya ng ermitanyo sa Olikomyo para hanapin ang isa pang ermitanyo para ibigay sa kanya ang baro at tanungin kung nasaan ang Reyno de los Cristal. Nang Makita niya ang ermitanyo na kapatid ng ermitanyong nakausap niya, binigay niya ang baro at itananong kung nasaan ang Reyno de los Cristales. Tinawag ng ermitanyo ang mga ibon ngunit walang may alam. Nahuling dumating  ang Agila at alam nito ang Reyno de los Cristales at dinala niya si Don Juan  patungong Reyno de los Cristales.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang kailangan ibigay  ni Don Juan bilang kapalit ng impormasyon kung nasaan and Reyno de los Cristales at bakit espesyal itong bagay?

2. Sino tinanong ng mga ermitanyo kung nasaan ang Reyno de los Cristales?

3. Paano naalam ng Agila kung nasaan ang Reyno de los Cristales

Mga Mahalagang Saknong

861

“Dito’y mahaba nang araw

Na ako’y nananahan,

Sa tahimik kong pamumuhay

Walang taong nakaalam.”

Pinapakita ditto ang katangian ng ermitanyo na gusto nila mamuhay ng mag-isa at malayo sa mga tao.

922

“Kaninang umaga lamang

Doon ako nag-agahan,

Isang peras na mainam

Ang lasa ay malinamnam.”

Pinapakita dito ang dahilan kung bakit alam ng Agila kung nasaan ang Reyno de los Cristales.

924

Laking pasasalamat

Ng Prinsipeng nagagalak,

Ang malaki niyang hirap

Tila magtatamong-palad.

Pinapakita ditto kung gaano kasaya si Don Juan dahil sa lahat ng kanyang hirap, makararating na siya sa Reyno de los Cristales.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s