Kabanata 22

Kabanata 22: Agad Kitang Minahal

Pagkatapos  ng isang buwan  nakarating si Don Juan sa Reyno de los Cristales. Dinala siya ng agila sa paliguan ng mga prinsesa at pinayuhan siya na tumago ng mabuti. Nakita ni Don Juan si Maria Blanca at natulala siya sa ganda niya. Nang pumasok si Maria Blanca sa paliguan, ninakaw ni Don Juan ang damit niya at pinaghalikan niya ito. Pagkatapos maligo, nalaman ng prinsesa  na nawawala ang kanyang mga damit. Isang oras siya naghanap pero hindi niya ito mahanap. Nagalit siya at nangakong parurusahan ng kanyang ama ang may kagagawan nito. Lumabas si Don Juan at nagpaliwanag siya. Sinabi rin niya na galling siya sa Berbanya at dala siya ng mahiwagang bula. Habang sila ay nag-uusap, nalaman nila na nagmamahalan sila sa isa’t isa.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang payo ng Agila kay Don Juan?

2. Anong oras raw ang sinabi ng Agila na darating ang mga prinsesa sa paliguan?

3. Ano ginawa ni Don Juan para magalit si Maria Blanca at bakit niya ginawa ito?

Mga Mahalagang Saknong

951

Dilag ni Donya Maria

Walang kapantay sa kanya,

Ipikit man yaong mata’y

Nasisilaw din ng ganda

Pinapakita dito kung gaano kaganda si Donya Maria.

954

“O himala ka ng dilag

Na sa akin ay bumihag

Malaki man yaring hirap

Nabihis ng tuwa’t galak.”

Pinapakita dito na para kay Don Juan sulit ang kanyang paghihirap dahil napakaganda ni Donya Maria.

986

Sa isang batong makinis

Nasiupong magkaniig,

Kapwa puso’y umaawit

Ng ligaya sa pag-ibig.

Pinapakita dito na nagsimula na sila magmahalan sa isa’t isa

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s