Kabanata 23

Kabanata 23: Pagsubok sa Binatang Nagmamahal

Ikinuwento ni Donya Maria kay Don Juan na ang mga bato na nakikita nila ang ay ang mga dating lumigaw kay Donya Maria. Pinayuhan ni Donya Maria si Don Juan na huwag pumasok sa palasyo habang nagpapakilala siya kay Haring Salermo dahil ito ay isang patibong. Sinundan ni Don Juan ang mga utos. Binigyan ni Haring Salermo ng isang pagsubok. Binigyan si Don Juan ng isang trigo at kailangan niya tibagin ang isang bundok upang maitanim ang trigo at kailangan rin niyang gawin itong tinapay para sa almusal ng hari bukas. Pinagtawanan siya ng Corte dahil imposibleng gawin ang utos ng hari. Pagbalik ni Don Juan kay Maria, sinabi ni Maria na huwag magalala si Don Juan at magpahinga. Natupad ang utos dahil sa mahika ni Maria.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang nangyari sa mga lalaking lumigaw kay Maria Blanca?

2. Ano ang pinayuhan ni Maria kay Don Juan?

3. Saan raw sina Don Juan at Maria magkikita pagkatapos makuha ni Don Juan ang pagsubok ni Haring Salermo?

Mga Mahalagang Saknong

964

“Kaya lahat ng bilin ko

Ay itanim sa loob mo,

Ingatang huwag mabuyo

Sa kay amang silo’t tukso.

Pinapakita dito kung gaano kahalaga ang mga bilin ni Donya Maria kay Don Juan.

Kaharian ma’y tahimik

Si Donya Maria’y ligalig

Walang laman yaong isip

Kundi ang Prinsipeng ibig.

Pinapakita dito na nag-aalala si Donya Maria para kay Don Juan at itong ay isang katangian ng isang tao na nagmamahal.

1059

Di kawasa ay nasabi,

“Kahanga-hangang Prinsipe,

Dunong nito’y pagkabuti

Tila ako’y maaapi!

Pinapakita dito na hindi matanggap ni Haring Salermo na mas makapangyarihan si Don Juan kaysa sa kanya dahil nagawa niya ang imposibleng utos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s