Kabanata 24

Kabanata 24: Tagisan ng Talino

Inutusan ng hari si Don Juan na ibalik ang labindalawang ita na pinakawalan niya sa dagat sa prasko bago mag-umaga. Pumunta si Maria sa dagat at tinawagan ang mga ita at natakot ang mga ito kaya bumalik sila sa prasko. Inutusan naman ng hari na iurong ni Don Juan ang bundok sa harapan ng palasyo upang maamoy niya ang sariwang hangin nito. Natupad rin ito dahil sa mahika ni Maria. Hinigi naman ng hari na itabon ang lupa ng bundok sa dagat at gumawa ng isang matibay na palasyo. Sinabi rin niya kay Don Juan ang gusto niya Makita sa palasyo. Natupad din ito dahil sa mahika ni Maria. Inutusan ng harti si Don Juan na sirain na ang palasyo at ibalik ang bundok sa dating pwesto nito at natupad ito dahil sa mahika muli ni Maria. Pinahanap na naman ng hari si Don Juan ang kanyang singsing na nahulog sa dagat. Sinabi rin niya na kailangan nasa ilalim ito ng kanyang unan bukas ng umaga or mapapahamak si Don Juan.  Mayroong inutos si Maria kay Don Juan pero hindi niya ito sinunod pero tinulungan pa rin siya ni Maria dahil mahal niya si Don Juan. Kahit natupad ang pagsubok mayroong masamang nangyari kay Maria dahil sa pagkukulang ni Don Juan. Ang huling utos ng hari kay Don Juan ay pabaitin ang isang napakasamang kabayo upang masakay ito ng hari. Sinunod ni Don Juan ang mg autos ni Maria kaya napabait niya ang kabayo.

Mga Gabay na Tanong

1. Sa tingin mo, ano ang mangyayri pag hindi natupad ni Don Juan ang mga pagsubok ni Haring Salermo?

2. Paano ipinakita ni Maria ang kanyang pagmamahhal para kay Don Juan?

3. Ano ang kaibahan ni Maria sa mga ibang kababaihan sa Ibong Adarna?

Mga Mahalagang Saknong

1218

Paghanap ay natagalan

Nang di gayun-gayon lamang,

Nakatulog si Don Jua’t

Ang pangako’y nalimutan.

Ito ang unang beses hindi sinunod ni Don Juan ang mga utos ni Maria Blanca.

1230

“Di ko ibig sisihin ka’t

Sa puso ko ay mapakla

Ngunit ikaw ang may sala

Gayon pa ma’y mahal kita.

Pinapakita dito na kung gaano kamahal ni Maria si Don Juan kahit hindi siya sinunod.

1237

“Tingnan mo ito, Don Juan

Ang daliri ko ay kulang,

Ito’y iyong tatandaa’t

Sa aki’y pagkakilanlan.

Ito ang nangyari  kay Maria bilang kapalit sa pagkukulang ni  Don Juan .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s