Kabanata 25

Kabanata 25
Buod:

Si Donya Maria ay malunkot pa rin dahil nagkasakit ang kanyang ama. Kahit kasama niya ang mahal niyang si Don Juan ay hindi pa rin siya nasisiyahan. Naisipan niyang alagaan ang kanyang amang may sakit. Pagsapit ng umaga, ipinasundo na siya ng hari. Sinabihan siya ng isang utusan na may magandang kapalaran na naghihintay sa kanya. Sinabi rin niya na may gagawin siyang pagpili. Pagdating sa palasyo, nakita niya ang maraming taong naghihintay. Bilang pagtanaw ng utang-na-loob, pinapili ng hari si Don Juan ng mapangangasawa. May tatlong silid na may butas at sa bawat butas ay mga hintuturo lamang ng mga babae. Kailangan ni Don Juan na piliin si Donya Maria. Minasdan ni Don Juan ang mga silid ng maigi at natiyak niya na si Donya Maria ay nasa ika-tatlong silid.

Nagulat ang hari dahil tama ang napili ni Don Juan. Hindi niya matangap na natalo siya ni Don Juan kaya nagisip pa siya ng plano. Naisipan niyang dalhin si Don Juan sa Inglatera upang maipangasawa ni Don Juan ang kapatid niya. At kung hindi ito gumana, naisipan niyang patayin nalang si Don Juan. Narinig ni Donya Maria itong plano at agad-agad niyang sinabi ito kay Don Juan. Nagpasya silang magtanan upang iwasan ang galit ng hari. Inutusan ni Donya Maria si Don Juan na kunin ang pinakamabilis na kabayo upang makatakas sila. Sa kasamaang palad, nakalimutan ni Don Juan ang dapat gawin at nakuha niya ang pinakamabagal na kabayo. Nang magising ang hari, nalaman niyang tumakas sila at gamit ang pinakamabilis na kabayo, hinabol niya sila. Ilang sandali pa ay nakahabol na ang hari kaya napilitang gumamit ng mahika si Donya Maria. Una, naglaglag siya ng mga karayom na naging tinik. Naantala ang hari ng ilang saglit pero makalipas ang dalwang araw ay nakahabol na siya ulit. Inilaglag naman ni Donya Maria ang sabon na naging kasing taas ng bundok.  Hindi pa rin sumuko ang hari at naghanap siya ng ibang madaraanan. Dahil dito, Inilaglag ni Maria ang isang lalagyan na naging dagat. Sa lawak ng dagat ay hindi na maabutan ng hari sina Maria at Don Juan. Sa sama ng loob, namatay ang hari pero bago siya namatay sinumpa niya si Don Juan. Pagbalik ni Don Juan sa Berbanya, makakalimutan niya si Maria.

Kahalagahan ng Kabanata:

Inihuhudyat ng katapusan ng kabantang ito ang pagtatapos ng mga pagsubok ni Haring Salermo at ang pagsisimula ng bagong problema dulot ng sumpa ng hari. Sa kabanatang ito, tuluyan nang nakatakas sina Maria at Juan kay Haring Salermo. Ngayong nakatakas na sila, pwede na silang magpakasal. Subalit, dahil sa sumpa ni Haring Salermo maaaring tuluyang makalimutan na ni Don Juan si Maria at mapunta kay Leonora. Itong sumpa ay magdudulot ng malaking kaguluhan sa kaharian ng Berbanya at sa buhay nina Don Juan at Donya Maria.

Gabay na Tanong:

-Paano inilalarawan si Donya Maria? Katulad ba siya ni Reyna Valeriana o Donya Juana? Sa tingin mo, dapat tahimik lang ba ang mga babae?

-Ano ang masasabi mo sa pagtrato ni Haring Salermo kay Maria at ang kanyang iniibig?

-Bakit kaya na hanggang sa huling hininga ay pilit niyang ipinaghihiwalay ang dalawa? Kung mahal mo ang isang tao, hindi ba’t gugustuhin mo siyang lumigaya?

-Ano ang sinasabi nitong kabanata tungkol sa pag-ibig ng mga kabataan? Bakit nila pinaglalabanan ang pag-ibig?

Mahalagang Saknong:

1293
Mahirap nating matiyak
ang ibabalita bukas
anuman ang nasa hagap
ipaghintay ng liwanag

Ito’y isang Aporismo. Sinanasabi nito na hindi tayo makakasigurado sa ating kinabukasan. Kapag hindi natin matiyak ang isang bagay, dapat hintayin nating luminaw ito upang masigurado natin na tama ang ating mga desisyon.

1368
At sakaling sumapit ka
sa kahariang Berbanya
Malimot ng iyong sinta
sa pagluha’t pag-iisa

Ito ay ang sumpa ni Haring Salermo kay Don Juan na makakalimutan niya si Donya Maria pagdating niya sa Berbanya. Ito ay magdudulot ng maring mga problema para kina Don Juan at Donya Maria.

1374
Kabataan, palibhasa
pag-ibig ay batang-bata
sa apoy ng bawat nasa’y
hinahamak pati luha

Ito’y isang Aprosimo. Sinasabi nito na ang mga bata, dahil kulang pa ang karanasan sa pag-ibig, ay gagawa ng kahit anno para lang dito. Dahil sa kanilang mga gusto, kahit may masasaktan, ipagpapatuloy pa rin nila ang pag-mamahalan.

1378
Sadyang ganyan tayong tao
habang bata’y walang tuto
labang-laban sa pagtungo’t
laging taas yaong ulo

Ito’y isang aporismo. Sinasabi nito na habang bata pa at wala pang alam ang mga tao, nagiging mayabang sila at pati mga autoridad ay sinusuway nila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s