Kabanata 26

Kabanata 26

Buod

Habang papunta sa Berbanya, iniwan muna ni Don Juan si Maria sa isang bayan. Gusto ni Don Juan na pumunta muna sa Berbanya upang paghadaan ang pagdating ni Donya Maria. Kailangan raw nilang parangalan si Donya Maria. Sa una’y di sang-ayon si Maria dahil ayaw na niyang abalahin pa si Haring Fernando. Matapos magpilit si Don Juan, pumayag na si Donya Maria pero binalaan niya si Don Juan na huwag makipagugnayan  sa ibang mga babae. Ayon kay Maria, madalas umibig ang mga lalake sa ibang mga babae.

Nang dumating si Don Juan sa Berbanya, lahat ay nagsaya lalo na si Leonorang pitong taong naghintay sa kanyang pagbalik. Kahit ang kanyang mga kapatid na taksil ay sumalubong sa kanya.Sinabi na rin ni Leonora ang totoong dahilan ng kanyang paghihintay. Ibinunyag niya ang katotohonan na si Don Juan ang nagligtas sa kanya at siya ang tuany niyang minamahal. Naibunyag rin niya ang kataksilan nina Don Pedro at Don Diego. Nagpasya ang hari na dapat ikasal na sina Don Juan at Leonora. Napuno ng saya ang palasyo dahil dito.

Habang nagsasaya ang Berbanya, nalaman ni Maria na tuluyan na siyang nakalimutan ni Don Juan. Nagalit siya dahil hindi tinupad nni Don Juan ang kanyang pangako na babalikan niya siya. Nabalitaan rin niya na ikakasal na sina Don Juan at Leonora pero mayroon pa siyang plano upang kunin ulit si Don Juan.

Kahalagan ng Kabanata:
Dito natin makikita ang bunga ng sumpa ni Haring Salermo. Dahil sa sumpang ito, nakalimutan na ni Don Juan si Maria at napunta siya kay Leonora. Nagalit rin si Donya Maria at naghanda na siya sa paghihiganti. Ito ay dudulot ng malaking kaguluhan sa Berbanya.

Gabay na tangong:
-Bakit kailangan pang paghandaan ang pagdating ng isang tao? Nangyayari pa ba ito ngayon?
-Ano ang mga pagbabago sa ugali ni Leonora ang makikita nang dumating na si Don Juan?

Mahalagang Saknong

1398
Ang hiling ko pag nilabag
asahan mong nawakawak
ang dangal ko’t yaring palad
sa basahan matutulad
Ito ay isang pagtutulad. Ito ang babala ni Maria kay Don Juan. Sinabi niya na kapag nakipagugnayan si Don Juan sa ibang babae, mawawala ang kanyang dangal at magiging walang kwenta na ang kanyang kapalaran. Ito rin ay magdudulot ng malaking kahihiyan.

1405
Lalo itong si Leonorang
pitong taong nagdurusa
nang marinig yaong sinta’y
hinimatay na sa saya
Ito ay isang pagmamalabis. Inilalarawan nito ang saya ni Leonora matapos niyang makita si Don Juan na pitong taon niyang hinintay.

1408
Ang ginawang iyon niya
di kagaspangan aniya
pusong uhaw sa pagsinta
ang hiya’y nalilimot na
Ito’y isang Aporismo. inilalarawan nito si Leonora nang makita niya si Don Juan. Sinasabi nito na pagdating sa pag-ibig, nakakalimutan na ng isang tao ang hiya. Ang pag-ibig ay nagbibigay pambihirang lakas ng loob na gawin ang anumang bagay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s