Kabanata 27

Kabanata 27:

Buod
Sa araw ng kasal nina Don Juan at Leonora, ginamit ni Donya Maria ang kanyang mahiwagang singsing upang gumawa ng magandang karosa at damit na para sa isang Emperatris. Si Maria ay nag-ayos at sakay sa kanyang karosa, dumating siya sa palasyo. Ang lahat ay namangha sa kanyang  pagdating at sa kanyang mga mamahaling kagamitan. Pati ang hari at reyna ay humanga sa kanya. Si Maria ay hinalang Emperatris at itinigil muna nila ang kasal upang parangalan siya. Bumaba siya sa karosa at nakita niya na tuluyan nang nakalimutan siya ni Don Juan. Ibinati niya ang hari at reyna at naghandog ng isang regalo. Ang regalong ito’y isang palabas para sa mga ikakasal. Umupo si Maria at gamit ang singsing, lumabas ang isang malaking prasko. Sa loob ng prasko ay isang negrito at negrita. Nagsimula ang palabas at tumugtog ang musika kahit walang taong tumutugtog. Sinasabi ng negrita kay Don Juan na si Maria ang tunay niyang mahal. Si M aria raw ang lagi niyang kasama at siya rin ang nagligtas sa kanya. Ayon sa negrita, itinaya ni Maria ang sarili niyang buhay upang iligtas si Don Juan at upang matupad niya ang mga hiling ni Haring Salermo. Sa kabila nito, hindi pa rin naaalala ni Don Juan si Maria kaya ipinalo ng negrita ang negrito gamit ang isang suplina. Naramdaman ni Don Juan ito pero hindi pa rin niya naaalala si Maria. Ipinatuloy ng Negrita ang pagsalaysay sa mga hiling ni Haring Salermo at kung paano siya tinulungan ni Maria. Isinalaysay ng negrita ang lahat ng pangyayari hanggang sa pagkalimot ni Don Juan kay Donya Maria. Pagkatapos ng palabas, naiwan lamang ang malaking praskong puno ng tubig.

Kahalagahan ng Kabanata:
Ito na ang simula ng mga plano ni Maria na kunin ulit si Don Juan. Makikita sa kabanatang ito na tuluyan nang nakalimutan ni Don Juan si Maria. Kahit anong gawin ni Maria, tila hindi na maaalala ni Don Juan ang pag-iibigan nila. Dahil dito, maaring mapilitan si Donya Maria na gumawa ng marahas na desisyon. Sa kabanatang ito, nagsimula nang magharap sina Don Juan,  Leonora at Maria upang mapagdesisyonan ni Don Juan kung sino ang kanyang mapangangasawa.

Gabay na Tanong:
-Masasabi bang nagtaksil si Don Juan kahit siya’y nasumpa lamang?
-Tama bang magalit si Donya Maria sa kanya?
-Ano kaya ang tingin ng mga tao sa Negrito at Negrita noong panahong ito?

Mahalagang Saknong:

1438
Ang taksil ay magbabayad
kataksila’y mauutas
pag ang tao’y laging duwag
kakaning-itik ang labas
-Ito’y isang aporismo at metapora. Sinasabi nito na ang mga masama ay pinaparusahan. Ikinikumpara rin nito na ang mga duwag sa kakaning-itik na walang kuwenta.

1443
Si Donya Maria’y nagbihis
gayak niyang emperatris
ganda sa matang titig
Serafin mandin sa langit.
Ito’y pagtutulad. Itinutulad si Maria sa isang Serafin o anghel sa ganda.

1574
Tanging naiwan sa hapag
ang praskong balot ng pilak
lamang tubig sa pangmalas
ay may lihim na kamandag
Inilalarawan nitong saknong ang prasko na naiwan matapos ang palabas. Importante ito dahil hindi lamang itong ordinaryong prasko. Ito ay may lihim na kamandag o lason na maaring gamitin ni Donya Maria.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s