Kabanata 28

Kabanata 28

Buod:
Hindi nanaaalala ni Don Juan si Maria kaya nagalit na si Donya Maria. Sa kanyang galit, kinuha niya ang prasko at nagbantang basagin mabaha ang buong kaharian ng Berbanya. Malapit na niyang basagin ang prasko pero sa huling sandali, biglang naalala ni Don Juan si Donya Maria. Agad niyang niyakap si Donya Mariang kanyang tunay na mahal. Humingi rin siya ng patawad dahil nakalimutan niya siya. Pinangako rin niya na hindi na niya makalilimutan si Maria. Nang marinig ito ni Leonora, nalungkot siya. Agad ring isinalaysay ni Leonora ang kanyang mga karanasan kasama si Don Juan upang patunayan na siya ang karapat-dapat na ikasal kay Don Juan. Isinalaysay niya ang kanyang nakaraan, mula sa kanyang pamilya at tirahan, hanggang sa kanyang pitong taong paghihintay. Isinalaysay rin niya kung paano siya ipinagtangol ni Don Juan mula sa Serpyete at ang kanilang pagmamahalan. Ikinuwento rin niya ang kataksilan nina Don Pedro’t Don Diego. Nang marinig ito ng hari, lumabot ang kanyang puso at nagpasya siya na si Don Juan ay mapupunta kay Leonora. Matapos nito, si Donya Maria naman ang nagsalaysay ng kanyang mga karanasan. Isinalaysay niya kung paanong naglakbay pa si Don Juan papunta sa Reyno de los Cristales. Ikinuwento rin niya ang iba’t ibang mga pagsubok na dinaanan ni Don Juan at kung paano niya itinaya ang kanyang buhay at sinuway ang kanyang ama nang tulungan niya si Don Juan sa mga pagsubok. Pagkatapos niyang magsalaysay, hindi na makapili ang hari sa pagitan nina Leonora at Maria kaya tinanong niya ang Arsobispo. Sinabi ng Arsobispo na si Leonora dapat ang ikakasal kay Don Juan dahil siya ang unang pinili ng hari. Dahil dito nagalit si Maria at binasag niya ang prasko. Ang buong Berbanya ay nabaha dahil sa tubig mula sa prasko. Upang malutas ang problema, sinabi ni Don Juan na si Maria ang tunay niyang mahal. Sinabi niya na kahit masaya siya na ikasal kay Leonora dahil mabuti siyang taong, mas makakabuti sa lahat kapag napangasawa ni Leonora si Don Pedro para hindi na rin maiingit at mag-away sila ni Don Pedro.

Kahalagahan ng Kabanata:
Sa kabanatang ito, naalala na ni Don Juan si Donya Maria. Ibinunyag rin ni Don Juan na si Maria ang kanyang tunay na mahal. Ididikta nitong desisyon ang magiging wakas ng buong kuwento.

Gabay na Tanong:
-Sa tingin mo, ano ang dapat mangibabaw, ang utons ng Hari o sigaw ng puso?
-Sa pagbasag ng prasko, anong katangian ni Donya Maria ang nakikita? Ano ang kaibahan niya kay Leonora?
-Nang ibunyag ni Don Juan na mahal niya si Maria, ano ang ginawa ni Leonora? Bakit niya ito ginawa?

Mahalagang Saknong:
1642
“Katutubo sa magulang
na ang anak kapag mahal
ang ingat ay gayon lamang
ni sa hangi’y di pahipan.
Ito ay isang Aporismo at Pagmamalabis. Sinasabi nito na dahil sa pagmamahal sa anak, ang ibang mga magulang ay nagiging masyadong maingat na nawawalan na ng kalayaan ang kanilang mga anak.

1665
Ako’y naging isang taksil
at sa ama’y nagsuwail
dahil lamang sa paggiliw
kay Don Juang papataying
Sa saknong na ito, inilarawan na ni Donya Maria ang lahat ng ginawa niya para kay Don Juan. Ipinapakita nito kung gaanong kamahal ni Maria si Don Juan.

1663
“O, ngayon ko napagtanto
batas ng tao ay liko
sa mali, ay anong amo’t
sa tumpak ay lumalayo!”
Ito ay isang aporismo. Sinasabi nito likas sa mga tao na sa halip na gumawa ng mabuti ay gumawa pa ng masama. Ipinapakita nito ang pagiging makasalanan ng mga tao.

1672
“Ngayon ko na po bubuksan
ang laman ng kalooban
si Donya Maria ang tunay
sa puso ko’y minamahal
Ito ang desisyon ni Don Juan. Pinili niyang pakasalan si Donya Maria. Mahalaga ito dahil ang wakas ng kwento ay base sa desisyong ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s