Kabanata 29

Kabanata 29:
Buod:
Hiniling ni Don Juan sa Arsobispo at Hari na makasal kay Donya Maria. Pumayag ang Hari at nagpasiyang isabay ang kasal nina Leonora at Pedro sa kasal nina Don Juan at Donya Maria. Si Donya Maria ay natuwa sa desisyon ng hari habang si Leonora ay walang imik. Masaya rin ang hari dahil maipapasa na niya ang korona. Sa una’y gusto ng hari na ibigay ang korona kay Don Juan pero sinabi ni Maria na mas mabuti kung si Don Pedro ang magmamana. Sinabi niya na babalik sila sa Reyno de los Cristales at doon sila mamumuno. Ikinasal na sila at si Don Pedro at Donya Leonora ang naging hari at reyna ng Berbanya. Matapos ang kasiyahan, bumalik na sina Don Juan at Maria sa Reyno de los Cristales. Pagbalik nila sa de los Cristales, napansin nilang namatay na ang mga kapatid at magulang ni Maria at iba na ang namumuno sa kaharian. Ngayon na wala na sila, payapa na ang kaharian at ang lahaty na naging bato ay bumalik na sa pagiging tao. Ibinati ng buong kaharian ang pagbalik ng prinsesa at silay nagdaos ng pista. Kinoronahan rin nila si Don Juan bilang bagong hari at si Maria bilang bagong Reyna ng De los Cristales.  Siyam na araw na idiniwang ang pista dahil walong taon nang di nagsasaya ang kaharian. Sa ilalim ng pamumuno nila Juan at Maria, umunlad at pumayapa ang buong kaharian. Nang mamatay sila, nagluksa ang lahat at nagdasal sila dahil sila’y naging mahuhusay at mababait na mga pinuno.

Kahalagahan ng Kabanata:
Ito ang wakas ng buong istorya at dito makikita ang mga bunga ng mga desisyon at aksyon ni Don Juan at ang iba pang mga tauhan sa istorya. Ipinakita sa kabanatang ito ang nangyari sa dalawang kaharian at binigyan niya ng magandang wakas ang paghahanap ni Don Juan sa tunay na pag-ibig. Sa huli, isinalaysay na rin ang masaya’t mapayapang buhay ni Juan hanggang sila ni Donya Maria’y pumanaw na.

Gabay na Pagsusuri
Lahat ba ay masaya sa wakas? Ano sa tingin mo ang nararamdaman ni Leonora at ikinasal na siya kay Pedro?
Makikita ba ang kapangyarihan ng simbahan sa kabanatang ito? Nakikita pa ba ito hanggang ngayon?
Sa palagay mo, sapat na ba itong katapusan? Kung mababago mo ito, ano ang ibabago mo?

Mahalagang Saknong:
1689
Pinutungan si Don Pedro’t
nagputong ay Arsobispo
ibinigay pati setro
at naghari na sa reyno
Si Pedro na ang naging hari ng Berbanya. Importante ito dahil sa wakas naipagmana na ni Haring Fernando ang kanyang korona at ito ay napunta na sa kanyang panganay na si Don Pedro.

1695
Dinatnan ang kahariang
nasa ibang mga kamay
ang kapatid at magulang
ay wala na’t nagsipanaw
Pagbalik nila sa de los Cristales, wala na ang pamilya ni Maria at sila’y pumanaw na. Dahil dito, magiging malaya na sina Don Juan at Maria na mamuno sa kaharian nang hindi inaabala ng pamilya ni Maria.

1705
Ngayo’y ating puputungan
ng korona si Don Juang
karugtong ng aking buhay
at hari ng kaharian.”
Ito’y pagmamalabis. Sinasabi ni Maria na si Don Juan ang kumukumpleto sa kanyang buhay. Naging bahagi na si Don Juan sa buhay ni Maria.

1717
Ito na ang siyang wakas
ng Korido kong sinulat
sa kataga kung may linsad
ang hingi ko ay patawad
Ipinapakita nitong saknong ang katangian ng Pilipino na maging mapagkumbaba. Nasulat na nitong makata ang isang kay gandang korido pero hanggang sa huli, nagpapatawad pa rin siya kung siya ay nagkamali.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s