Paghahanap sa Ibong Adarna

Nagkaroon ng malubhang sakit si Haring Fernando dahil napanaginipan niya ang pagkamatay ni Don Juan. Upang gumaling si Haring Fernando, kailangan niyang marinig ang awit ng Ibong Adarna na matatagpuan lamag sa Piedras Platas. Natagpuan ito nina Don Pedro at Don Diego pero sila’y nakatulog at naging bato. Makalipas ang ilang taon, hindi pa rin bumalik sina Pedro at Diego kaya si Don Juan na ang naghanap sa Ibong Adarna. Una’y pinigilan siya ng kanyang ama pero sa huli nakumbinsi niya ang ama na bigyan siya ng bendisyon. Kahit kaunti lang ang dala niya sa paglalakbay, naabot pa rin niya ang bundok Tabor. Sa bundok, nakakita siya ng Leprosong nanlilimos ng pagkain. Binigyan niya ang Leproso ng pagkain at pinayuhan siya ng Leproso na pumunta sa Ermitanyo. Tutulungan raw siya ng Ermitanyo na hulihin ang Ibong Adarna. Pumunta si Don Juan sa Ermitanyo at inutusan siyang sugatan ang sarili at lagyan ng dayap ang sugat pag kumanta ang Ibon upang hindi siya makatulog. Sinundan niya ang Ermitanyo at nahuli niya ang Ibong Adarna. Sa tulong ng Ermitanyo, nailigtas rin niya ang kanyang mga kapatid. Habang pabalik sila sa Berbanya, tinaksilan siya ng kanyang mga kapatid. Dahil sa inggit, binugbog siya ng kanyang mga kapatid at ninakaw rin nila ang Ibong Adarna. Pagbalik nila Don Pedro at Don Diego sa Berbanya, pumangit at ayaw na kumanta ang Ibong Adarna dahil alam niyang si Don Juan ang kanyang may-ari. Si Don Juan na binugbog ng kanyang mga kapatid ay nanalangin sa Diyos. Habang nananalangin siya, narinig siya ng isang matanda at ginamot siya. Nang bumalik na ang lakas ni Don Juan, bumalik siya sa Berbanya at bumalik na rin ang sigla at ganda ng Ibong Adarna. Nang kumanta na ang Ibong Adarna nabunyag na rin ang kataksilan nina Don Juan at Don Diego. Pinagalitan sila ni Haring Fernando pero dahil hiniling ni Don Juan sa kanyang ama na patawarin na sila, hindi na sila pinarusahan. Dahil nagustuhan ng hari ang Ibong Adarna, inutusan niya ang tatlong anak na bantayan ang Ibong Adarna. Kahit pinatawad na ni Don Juan si Don Pedro, tinaksilan nanaman ni Pedro si Juan nang pakawalan niya ang Ibong Adarna. Sa huli, umalis si Don Juan sa Berbanya upang hindi mapahamak ang kanyang mga kapatid dahil baka parusahan sila ni Haring Fernando pag nalaman niyang sila ang nagpakawala sa Ibon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s