Papuntang Reyno De los Cristales at Ang Tunay na Pagmamahal

Naglakbay si Don Juan ng tatlong taon patungo sa Reyno de los Cristales. Habang naglalakbay, nakakita siya ng isang Ermitanyo. Humingi siya ng makakain at maiinom sa Ermitanyo kaya binigyan siya ng itim na tinapay. Kahit maitim na ito, kinain pa rin ito ni Don Juan dahil sa gutom. Matapos kumain, itinanong niya kung saan mahahanap ang Reyno de los Cristales. Pinayuhan siya ng Ermitanyo na pumunta sa malayong mbundok at hanapin ang isa pang Ermitanyo. Binigyan rin siya ng Ermitanyo ng isang barong maipapakita niya sa susunod na Ermitanyo. Naglakbay ulit si Don Juan at nakita niya ang ikalawang Ermitanyo. Ipinakita niya ang baro at nagtanong ng daan patungo Reyno de los Cristales. Dahil hindi alam ng Ermitanyo at ng mga hayop ang daan, sinabihan siya na humingi nalang ng tulong sa isa pang Ermitanyo. Pagdating niya sa pangatlong Ermitanyo, pinakita niya ulit ang baro at nagtanong ng daan patungo sa Reyno de los Cristales. Tinawag ng Ermitanyo ang mga ibon pero hindi rin nila alam kung nasaan ito. Sa kabutihang palad, ang isang Agila na nahuli ay galing lang doon. Sumakay si Don Jauan sa Agila at nakarating siya sa Reyno de los Cristales. Doon, nakita niya si Maria habang naliligo siya kaya kinuha niya ang damit ni Maria. Makalipas ang isang oras, ibinalik na ni Don Juan ang damit. Kahit nagalit si Maria, napatawad rin niya si Don Juan dahil nagawa lang niya ito dahil sa pag-ibig. Bago niya pwedeng pakasalan si Donya Maria, kailangan muna niyang dumaan sa pagsubok ni haring Salermo. Ikinuwento ni Donya Maria na naging bato ang iba niyang manliligaw at upang hindi maging bato si Don Juan, hindi siya pwede pumasok sa bahay ni Haring Salermo. Sinundan siya ni Don Juan at hindi siya naging bato. Ang unang utos ng hari ay ang pagtamin ng trigo. Inutusan niya si Don Juan na tibagin ang bundok at magtanim ng trigo na kailangan niyang gawing tinapay. Hindi alam ni Don Juan kung paano to gagawin pero sa tulong ng mahika ni Donya Maria, natupad niya ang hiling na ito.  Nagulat si Haring Salermo na nagawa niya ito pero marami pa siyang kailangang lampasan na pagsubok. Ang susunod na pagsubok ay ang pagbalik ng mga ita sa prasko. Sa tulong nanaman ni Donya Maria, natakot ang mga ita at bumalik sila sa loob ng prasko. Pagkatapos nito, inutusan naman siya ng hari na iurong ang isang bundok. Sa tulong ni Donya Maria, nagawa rin niya ito. Pagkatapos nito, inutusan siya ng hari na ilagay ang bundok sa dagat at magtayo ng palasyo dito. Ginamit nanaman ni Donya Maria ang kanyang mahika at natupad ang kahilingan ng hari. Matapos makita ng hari ang kastilyo, pinaalis naman niya ito. Madaling nagawa ito ni Maria. Nagtaka ang hari kung paano niya nagawa ang kanyang mga utos at hindi siya nasiyahan dahil mas tinitingalaan na siya ng mga tao. Isang araw, sadyang itinapon ng hari ang kanyang singsing sa loob ng dagat at inutusan si Don Juan na kunin ang singsing. Sinabayan ni Don Juan si Maria sa dagat at inutusan ni Maria si Don Juan na tadtarin siya para makuha niya ang singsing. Habang kinukuha ni Maria ang singsing, nakatulog si Don Juan at hindi niya nakuha ang singsing galing kay Maria. Dahil sito, nagalit si Maria pero dahil na rin sa pagmamahal niya kay Don Juan, muli siyang nagpatadtad upang kunin ang singsing. Nakuha nila ang singsing pero dahil nagmadali si Juan sa pagtadtad, nawala ang dulo ng darili niya. Nang magising ang hari, nakita niya ang singsing. Nagulat siya at nagawa ito ni Don Juan pero may isa pa siyang pagsubok bago sumuko. Inutusan ni Haring Salermo si Don Juan na paamuhin ang kabayo. Ang hindi alam ni Don Juan ay si Haring Salermo ang kabayong iyon. Sa kabila nito, nagawa ito ni Don Juan dahil sa tulong ni Maria. Malapit nang sumuko ang hari pero mayroon pa siyang isang pagsubok para kay Don Juan. Pinapili niya si Don Juan ng mapangangasawa. Mayroong tatlong silid na may butas at nakalabas lamang ang hintuturo ng mga babae. Nagulat ang hari dahil napili ni Don Juan si Donya Maria. Dahil dito, nag-isip siya ng paraan upang talunin si Don Juan. Plano niyang dalhin si Juan sa Inglatera upang mapangasawa niya ang kapatid ni Haring Salermo. Kapag hindi ito gumana, papatayin nalang niya si Don Juan. Narinig ni Maria ang plano niyang ito at tumakas sila ni Don Juan. Hinabol sila ni Haring Salermo pero dahil sa mahika ni Maria, nakatakas sila. Bago mamatay si Haring Salermo, sinumpa niya si Don Juan para makalilimutan ni Don Juan si Maria sa sandaling makarating sila sa Berbanya. Habang pabalik sa Berbanya, iniwan muna ni Don Juan si Maria sa ibang bayan para makapaghanda ang Berbanya sa kanyang pagdating. Pagbalik ni Don Juan sa Berbanya, nakalimutan na niya si Maria. Ibinunyag ni Leonora na si Don Juan ang kanyang mahal kaya inihanda na ang kanilang kasal. Nalaman ito ni Maria nagalit siya. Sa araw ng kasal, dumating siya sa palasyo, suot ang damit na pang Emperatris. Hinala ng lahat na siya’y isang Emperatris kaya itinigil muna nila ang kasal. Naghandog si Maria ng isang palabas na nagsasalaysay ng mga karanasan ni Don Juan kasama si Maria. May mga pagkakataon ring pinalo ng negrita ang negrito pero si Don Juan ang nasasaktan. Sa kabila ng lahat nito, hindi pa rin naaalala ni Don Juan si Maria kay nagalit na siya. Tinangka niyang sirain ang prasko upang mabaha ang Berbanya. Sa huling sandali, naalala ni Don Juan si Donya Maria at sinabi niya na si Maria ang mahal niya. Matapos nitto isinalaysay nina Leonora at Maria ang kanilang karanasan kasama si Don Juan. Dahil si Leonora ang pinili ng Asobispo, nagalit si Maria at tuluyan na niyang sinira ang prasko. Upang masolusyonan ang problema, sinabi ni Don Juan na si Maria ang gusto niyang mapangasawa at mas mabuti na kung mapunta si Leonora kay Pedro para hindi na sila mag-away. Sa huli, nakasal sina Pedro at Leonora at silay naging mga pinuno ng Berbanya. Si Maria at Juan ay kinasal rin at sila ang namuno sa Reyno De los Cristales. Sa ilalim ng kanilang pamumuno, umunlad ang buong kaharian. Nang mamatay na sila, lahat ay nagluksa dahil sila ay mabuting mga pinuno.

 

Bumalik sa Pahina ni Don Juan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s