Sa Armenya

Nagkita ulit ang magkakapatid sa Armenya. Payapa dito kaya nagpasya silang manirahan dito. Isang araw, dahil gusto nilang malaman ang hindi pa nila nalalaman, pumunta sila sa ibang bundok. Sa bundok, nakatagpo sila ng isang mahiwagang balon. Si Don Pedro ang unang bumaba pero natakot siya at hindi niya naabot ang ilalim. Hindi rin ito nagawa ni Don Diego. Si Don Juan ay ang huli na sumubok. Kahit natakot siya, hindi siya sumuko kaya naabot niya ang ilalim. Sa ilalim ng Balon, nakilala niya si Donya Juana na kaagad niyang nagustuhan. Si Donya Juana ay bihag ng isang higanteng kumakain ng tao. Napatay ni Don Juan ang Higante at napaibig niya si Donya Juana. Nang papalabas na sila ng balon, pinaalam ni Donya Juana na mayroon pa siyang kapatid na bihag ng isang serpyenteng may pitong ulo. Nang makita ni Don Juan ang kapatid niyang si Leonora, agad na siyang umibig sa kanya. Makalipas ang ilang panahon, dumating na ang Serpyenteng may pitong ulo, naglaban na sila ni Don Juan. Nang mapagod na si Don Juan, nanalangin siya at bumalik ang kanyang lakas. Binigyan rtin siya ni Leonora ng balsamo kaya napatay niya ang sepyente. Nang lumabas na sila ng balon, naalala ni Leonora na naiwan niya ang kanyang singsing kaya bumaba ulit si Don Juan para kunin ito. Dulot ng inggit, pinagtaksilan nanaman ni Don Pedro si Don Juan at ipinutol niya ang lubid habang pababa si Don Juan sa balon. Dinala rin niya si Leonora sa Berbanya upang mapangasawa. Habang sa loob ng balon, tinulungan si Don Juan ng Lobo ni Leonora. Ipinagaling ng Lobo ang sugat ni Don Juan at nakalabas sila sa balon. Sa gubat, nakita ng Ibong Adarna si Don Juan at sinabihan siyang kalimutan na si Leonora at pumunta sa Reyno de los Cristales upang hanapin si Donya Maria.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s